Fine is defined as you are doing ok, everything's under control or you know, sakto lang. When people say they're fine it means wag mo siya alalahanin. Im not talking about fine na pag nakakita ka ng maganda or gwapo. Im talking about what a person feels. When you say you are fine, you are not ok. You are a mess. I was watching this show last night called Mom and the scene was the Mother lost her job and getting comforted by her Daughter and her other friends in a Diner and when she told them she's fine, Her friend said "You know what Fine means? Frustrated, Insecure, Neurotic and  Emotional" sabay Tawa ng audience. Its a comedy show btw. Look it up its a good show.

Nung sinabi niya yun, it hit me, putangina ganon na ganon ang sitwasyon ko ngayon. Im fine. very fine. Isa isahin natin yung letters shall we? :)

Frustrated
Nahihirapan na ko makapaghanap ng work. 3 months and counting and still, no replies. I told myself last September if wala pa din ako makitang work, Mag wa-walmart na lang ako. or Tims. Or kung san man ako qualified. Lumipas ang September, October dahil sa nagbabakasakaling may makuha ako, wala pa ding dumadating. Since "Lina" cant help me anymore, I browsed other job sites here in Canada and every week I get emails for new jobs but paulit ulit na lang. Walang bago. May tumuka na 3 company sakin pero wala namang second interview nung nag follow up ako. Im running out of $$$ so i fukken badly need a job asap. 

I havent paid my taxes yet. From September of 2012 to present hindi pa din ako nakakapagfile. Natatakot kasi ako. Andito nga Kuya ko hindi naman ako tinutulungan. All he does is "hanap ka ng accountant tapos pacompute mo tax mo sa kanya blahblah" Eto talaga yung malaking tinik na tumutusok sakin till now. Pwede ko naman puntahan yung accountant na nakita ko pero kasi when she starts talking, ayun natutuliro ako. Sa dami ng words na sinasabi niya na di ko maintindihan, dun ako nanlulumo. Not sure if how much na ang babayaran ko. Hoping na wag naman sana umabot ng $10 to $20k yung tax.

Insecure
Im fat. Like literally fat. Im back to my college weight again. A whopping 150lbs. I do sit ups everyday, push ups, and i bought dumbells too pero punyetanginang body clock ko sobrang sirang sira. Havent slept properly since August when my contract ended and my cheating girlfriend ended our 3 yr. relationship. My clothes are shrinking, nagiging tapa legs nanaman ako and lumalaki nanaman ang dede ko. Yung pants ko whenever i walk eh yung zipper nababa. Winter is starting and i cant jog outside na because of the heavy snow. Nagmumukha nanaman akong Michelin Boy. Nagkakaron ako ng red spots sa mukha dahil sa puyat. And im scared baka bumalik nanaman yung shingles sakin. It was nasty. Mahapdi, masakit and namaga yung mukha ko nung nagkaron ako nun.

Neurotic
I still cant move on with the breakup. Sobrang depressing lang talaga yung mga pangyayari. It really fucked me. I cant think, act, do anything properly. I miss her so much kahit na putangina lang talaga ng mga ginawa niya sakin. Sa pangiiwan niya, sa panloloko niya at sa pagkantot niya ng kung sino sinong lalake sa Pinas, I loved her. Halong galit at lungkot ang nararamdaman ko. Galit ako sa sarili ko at nalulungkot ako sa nangyari. 

Feeling ko malapit na masira ulo ko dito. Minsan bigla na lang ako uupo sa isang tabi or matutulala na lang dahil feeling ko lost na talaga ako sa Buhay. Hindi ko na alam kung pano tumayo. I think i am not ok kung tumatawa na lang ako dito mag isa. I mean, yung pinapanod ko naman kasi nakakatawa, (Lookup The Neighbors, Mom, Dads, Brooklyn Nine Nine tv series) pero the moment na narerealize ko na tumatawa ako mag isa na yung napapahampas pa ko sa legs ko dahil nakakatawa? Ang lungkot lang. Wala ka kasing kasama at wala ka kausap. I have low self esteem and confident ako na sobrang baba ng confidence ko sa sarili ko kaya hindi ko kaya makihalubilo or makipagkilala personally. Bukod dun, I do not speak english properly. I express my opinion properly in english.

Havent been that active with my social accounts eversince the devastation. Dati sobrang active ako sa Twitter at sa Instagram pero ngayon sobrang nawalan na ko ng gana. Nakakawalang gana sobra yung mga pangyayari. 

Emotional
Family, Lovelife, Me problems. Hindi ko talaga maramdaman na andito Pamilya ko. Except sa Nanay ko na nasa US ha pero andito Kuya at Ate ko and yet para namang wala silang pakialam. Naiintindihan ko may Pamilya na Kuya ko pero sana man lang minsan magyaya sya sakin or samin ng Ate ko na guys kain tayo. Wala eh. Under kasi masyado sa Asawa. Yung asawa yung may betlog hindi siya. Yung Ate ko naman, ewan ko putangina di ko alam kung ano na balita sa kanya. Once in a blue moon magparamdam TO THINK na nagpa line siya dito ha. Ni-text, tawag wala! 

Lovelife. Lovelife? Love? Ano yun? Its been 3 months and yet hindi ko pa din makita sarili ko na may ibang babae. Putangina ka. Ikaw pa din hinahanap ko kahit andyan ka sa Pilipinas. Putangina mo ka sa mga ginawa mo saking kagaguhan pero mahal pa din kita. Gago ka dahil ginago at niloko mo ako pero ikaw pa din yung hinahanap ng puso ko. Tangina mo sa pambablock mo sakin sa social accounts mo pero wala kang narinig sakin. Putangina ka, nabobo natanga ko sa love dahil sayo. Despite ng mga pagmumura ko sayo, I wish you well, sana ok ka sa pag aaral mo, at sana maka graduate ka on time, and sana wag mo gaguhin ang next boyfriend mo. 

I dont wanna be fine anymore. I want to be better. Ayoko ng ganitong life. Gusto ko na sumaya ulit. Namimiss ko na maging masaya. Namimiss ko na mga kaibigan ko. Namimiss ko na Mama ko. HIndi ko na talaga alam kung paano ako magsisimula ulit. Kung pano ko maiaahon sarili ko sa nararamdaman ko ngayon. May pag asa pa ba ko? May swerte pa bang dadating sakin? Pakamatay na lang siguro ako. 
AJ Gwapo Talaga Putang Ina
11/19/2013 10:52:22 am

Tol.. wag ka pakamatay! try mo na siguro tumindig at makihalubilo sa mga tao sa paligid mo. Sabi ko sayo, kontakin mo si shalom.. patulong ka! Willing naman iyon tumulong! kapag hindi mo talaga kaya dyan, halika at umuwi ka na dito. Yun naipon mo at natitira mong pera ipang invest mo ng condo unit dito! Mag simula ka ulit, malamang sa porftfolio mo kapag nagaply ka dito eh makakadagdag ng lakas sa mga aaplayan mo na trabaho sapagkat ika'y nakapag trabaho na dyan sa canada. Maari ka na din manghingi ng mas malaki o mas maayos na compensation siguro. Life is just a blast you're moving really fast, you better stay on top or life will kick you in the ass...! Chill ka lang tol..

Reply



Leave a Reply.