First of all, I would like to greet y'all a Happy Christmas! 25 pa dito sa Canada so ngayon lang ako bumabati. :) Seen photos in my Facebook and Instagram page.. Pabonggahan ng Pamilya, ng pagkain, palaliman ng "christmas" messages, Costume parties ng mga barkada, Inuman sessions ng mga pariwarang tao, Company Christmas parties at kung ano ano pa. :) Wala talagang tatalo sa pasko sa Pilipinas. Solid kung solid!

As for me, well it wasnt that bad. I gave presents to the in-laws, gave my brother and my sister gifts as well, and naka facetime ko si Mother Bear from the US. Ako, wala eh i dont know what to give myself so on-hold pa din siya. Was planning to buy an iPhone 5c or 5s kaso meron naman akong iPhone 5 na i dont use nakatambak lang sa kwarto. Next was an iPad air pero may iPad mini naman ako. A macbook lappy pero meron naman kasi akong laptop na. New earphones? I got beats, marley, audio technica, skullcandy. Andun na ko sa Future Shop eh... hawak ko na yung mga balak ko sana bilhin sa list ko pero wala at the last minute i backed out.

Kamusta naman ang taon ko? Less on ups, More on downs. Leaving my Friends and my (X)girlfriend was devastating for me. Yun talaga yung ugat ng depression and frustrations ko dito. Ofcourse nasanay ako na through thick and thin, friends ko kasama ko nung asa Pinas ako kasi magisa lang din ako dun eh. Andyan sina Boswell Kitkat and Omel na text away lang sakin. Si AJ na walang ibang kwento kundi mga Babae niya. Si Chucky na kasama kong lumakbay sa Nuvali para sa 1st ever Zombie Run na ginanap sa Pinas haha! And lastly, si Robert, ang kababata at kapitbahay ko and best friend ko na ubod ng landi at puro babae ang kwento pero pagdating sa serious talks, matino naman. I miss my Friends so much. Hindi sapat yung 1 week escape ko last July. Hahah. Sana next year makavisit ulit ako and SANA by this time, mahaba habang bakasyon na! :) Who wouldnt miss my Girlfriend Dramaramas sa Twitter. Isa ding sobrang gumiba sakin. That time kasi we are working things out na eh. Maayos na yung takbo ng relationshit namin then this news of me leaving, hate to say this... ruined us. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Pero no choice na eh. I think 2 weeks na lang ata ako nun dito or 1 month nung nabalitaan ko na approved na ko. It was a shocker at first kasi wasnt expecting na makakasama ko kasi I was 26 that time so diba overage na ko. I guess I got lucky. When I left.. our relationship went tumbling down again and just this year we are officially done. She's happy with the Guys she's flirting with back there since umalis ako and Im here tryin to forget all the pain and suffering I got from her. 

Ano naman yung mga magandang nangyari sakin dito? Ofcourse getting a job was the best. I get to experience working with foreign environment kaya napasabak din sa pag iingles. Medyo nakasabay naman pero most of the time ofcourse Im just being me, always quiet. Napadpad ako sa ibat ibang parte ng Alberta. Drumheller, Grand Prairie, Fort McMurray, Red Deer, Medicine Hat to name a few. :) I get to buy all the shit that I wanted! Them all Apple gadgets and an XBOX. Yun lang happy moments ko dito wtf lol. haha. Oh wait, Winter! Sarap ng Winter! Hahaha at ng Snow! 

Im thankful na im still alive and kicking na kahit antaba taba ko na. Ang onti lang ng kinakain ko at parang 1 meal per day na lang ako kumain pero mataba pa din ako. Cant help it, sarap eh haha. Thankful din ako siguro na over and done na kami ni Worst Best Girlfriend ever. Atleast di na ko maghihinala kahit meron naman kasi talagang lalake yun dun sa Pilipinas haha. Wala na ding away awayan. At wala na din akong mahuhuling mga kalalakihan niya. Binati ko siya nung Pasko sa Pinas btw. Syempre kahit na wala na kami, 3yrs din yun so ang laki ng part niya sa buhay ko. At syempre babatiin ko din yun sa New Year. :) 

Hoping for a better year sakin. Sana makaland na ko ng Job ulit dito. So pano.. kitakits sa 2014 Boys and Girls! :)
 
Bakit nga ba wala yung letrang I sa pangalan ko. Bakit nga ba tinanggal ko. Kasi naliligaw ako. Hindi ko alam kung san ba patungo tong buhay ko. Hindi ko alam kung paano ba magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano ba ko mabubuhay at makakapag establish dito sa ibang bansa. For 25 years, ive been living in my comfort zone. Tapos ngayon, sa sobrang pananalig ng nanay ko sa Diyos at siguro nasamahan na din ng onting swerte, nakasama ako sa pagalis sa Pilipinas. 

Nung nalaman ko na approved na kami, hindi ako naexcite. Siguro dahil kasi may maiiwan ako. Siguro kasi hindi ko kaya sa ibang bansa. Siguro kasi hindi ko kasama yung mga kaibigan ko. Siguro kasi takot lang ako. Actually, lahat ng yun yun ang rason. Iniwan ko Girlfriend ko (x na ngayon), Hindi ko alam kung anong magiging trabaho ko doon (hindi ako marunong mag english), Wala akong kasamang gumala o manood ng sine, at takot ako. Pinakiusapan ko pa Mama ko at Kuya ko kung pwede bang wag ako sumabay sa pag alis ng Mama ko kasi 2 weeks na lang ata ako nun. Sabi ko, kung pwede sa Pilipinas ako magcecelebrate ng Birthday ko bago ko umalis. Pero wala eh. Ano bang laban ko sa 2 mas matanda sakin. Kung sasagot naman ako o kaya oobject, ako pa yung lalabas na masama at kontrabida. Imbis na pakinggan nila ko, ang nasa utak lang nila eh ang selfish selfish ko ng anak/kapatid.

Hindi ko naman talaga ginustong mapunta dito sa abroad. Kung tutuusin, mas gusto ko pang tiisin ang hirap ng Buhay sa Pilipinas kesa naman sa mabulok sa ibang bansa na walang kilala at walang pamilya. Mas pipiliin ko pang maexperience ang Baha at Bagyo at Ulan kesa sa masarap na Winter at lamig at malinis na simoy ng hangin. Minsan naiisip ko, magpakamatay na lang. minsan naiisip ko magpadeport ako para lang makabalik ng Pilipinas. OO. Halos 1 taon pa lang ako dito. Pero sa 1 taon na yun ang hirap talaga. Hindi ko kaya ang buhay sa ibang bansa. Pinipilit pero talagang nakakadepress. Andito nga Pamilya mo pero parang wala naman dahil hindi mo naman kasama. Naiintindihan ko yung panganay namin may Pamilya na pero minsan kasi parang hindi niya ako tinuturing na pamilya eh. Pupuntahan ako ang excuse sa asawa pupunta sa Office may kukunin. Parang wtf man kapatid mo ko, hello magkadugo tayo, onting oras lang di mo mabigay sakin. Oh well. Ganon siguro talaga pag Pamilyado at na-westernized na ang ugali. Kadalasan yun naman talaga ang nangyayari sa mga Pilipinong napapadpad sa ibang bansa eh. Nakakalimutan na ang Filipino values. Siguro yung iba hindi, pero mostly talaga ganon.

Anyways, since wala pa din akong natatanggap na response sa mga inapplyan kong trabaho dito, susubukan ko ulit bumalik sa pagblo-blog. Halos 3yrs din akong hindi nagblog dahil nabusy ako sa lovelife, sa sex, at sa trabaho eh. Pero hindi ako "blogger" blogger ha. Hindi ako yung tipo ng mga blogger na nagpopost tungkol sa pagkain, sa mga lugar na napuntahan nila, or sa pagiging healthy shit. Random lang mga pinopost ko. Usually puro kabastusan at katarantaduhan. Dati sa multiply ako nagpopost ng blogs ko as in dun ako nakakuha ng avid readers. Di nga ako makapaniwala na may nagbabasa nung mga pinopost ko eh. kasi alam mo yun sobrang bastos at pure katarantaduhan lang mga pinopost ko. Im happy though that i made People smile with my shitty blogs. So yup... Lets do this shit again. :|