Single. Single nanaman ako. Putanginang puta talaga. After 3 years of an on/off LDR-ng-konte (dahil napadpad na ko sa Abroad) relationship, Natapos na din. All I can say is, 20% Happiness, 80% Misery. Sinubukan ko talaga na ituloy kasi *ubo* Mahal *ubo* ko eh. We've made plans, kahit na ambata pa niya and all that shit, and promises that were already broken (Yup ako lang lalake mo putangina mo kang puta ka). Actually, hindi ko nga alam kung matatawag mong relasyon yun eh kung hindi ka man lang pinakilala sa magulang at sa mga kaibigan ni hindi ka man lang din nakabisita sa bahay nila (tangina kelangan mo pa hanapin yung bahay). Lagi ko sinasabi sa sarili ko na "tangina eto na ata yung babaeng pakakasalan ko at eto na yung masasabi kong sobrang seryosong relationship" Pero ang totoo, Hinde. Tangina, so bago ko nag abroad, 2 weeks before, nalaman ko na nanlalalake pala ang puta tapos nung asa abroad na ko, pukingina sumasideline pa din pala ng lalake. Ako naman si tanga lahat pinalampas yun. Bobo. Ang bobo ko talaga. teka. ANG BOBO KO TALAGA PUTANGINA. Sa susunod na blog ko na lang itutuloy ang *ubo* Love *ubo* story ko.

Putanginang mga Babae talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit kayo pumapasok sa relationship kung pukinangina, hindi niyo naman talaga gusto eh. Drama kayo ng drama sa mga putaragis na buhay niyo na kailangan niyo ng boyfriend tapos pag nakahanap naman kayo gagaguhin/lolokohin/tatarantaduhin niyo. HOY MGA PUTA. Hindi lahat ng lalake kantot lang habol sa inyo. Oo sige sabihin na natin na mahilig kami sa Sex pero HINDI LAHAT. Mga de putangina kayo nan-gegeneralize kayo masyado eh. Pero dahil sa ganon din naman ang usapan, well ok mag gegeneralize din ako. Putangina kayong mga babae kayo, di purkit maganda kayo eh lalaro-laruin niyo na lang mga damdamin naming mga lalake. Kung ayaw niyo sa nanliligaw sa inyo, pwede ba sabihin mo na kagad kesa naman sa paasahin mo pa yung kumag. Andali dali lang sabihin na "ayoko sayo" or kung ayaw mo makasakit edi sabihin mo kaibigan lang talaga turing mo sa kanya. 

Sobrang sakit ng nangyari sakin dahil sa katangahan at kabobohan ko. Poor decisions ika nga. Dami na nagsabi sakin na wag ko na ituloy yun dahil not only once, but twice ka na ginago nung Babae eh. Kahit kuya ko sabi sakin RED FLAG yang babaeng yan. Pero wala binalewala ko lahat ng advice nila sakin. Tangina talaga pag nagmamahal ka eh. Bakit laging ganon. Lahat nirereject mo dahil para sayo, 100% sure ka na magbabago yung minamahal mo. Na mapapatino mo siya. Na ikaw na yung mamahalin niya talaga. Na handa ka na magsettle down at magtino sa buhay para lang mapakasalan mo siya. Na worthit siya. Or talagang nabobobo, natatanga lang talaga tayo pag nagmamahal...
 
Bakit nga ba wala yung letrang I sa pangalan ko. Bakit nga ba tinanggal ko. Kasi naliligaw ako. Hindi ko alam kung san ba patungo tong buhay ko. Hindi ko alam kung paano ba magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano ba ko mabubuhay at makakapag establish dito sa ibang bansa. For 25 years, ive been living in my comfort zone. Tapos ngayon, sa sobrang pananalig ng nanay ko sa Diyos at siguro nasamahan na din ng onting swerte, nakasama ako sa pagalis sa Pilipinas. 

Nung nalaman ko na approved na kami, hindi ako naexcite. Siguro dahil kasi may maiiwan ako. Siguro kasi hindi ko kaya sa ibang bansa. Siguro kasi hindi ko kasama yung mga kaibigan ko. Siguro kasi takot lang ako. Actually, lahat ng yun yun ang rason. Iniwan ko Girlfriend ko (x na ngayon), Hindi ko alam kung anong magiging trabaho ko doon (hindi ako marunong mag english), Wala akong kasamang gumala o manood ng sine, at takot ako. Pinakiusapan ko pa Mama ko at Kuya ko kung pwede bang wag ako sumabay sa pag alis ng Mama ko kasi 2 weeks na lang ata ako nun. Sabi ko, kung pwede sa Pilipinas ako magcecelebrate ng Birthday ko bago ko umalis. Pero wala eh. Ano bang laban ko sa 2 mas matanda sakin. Kung sasagot naman ako o kaya oobject, ako pa yung lalabas na masama at kontrabida. Imbis na pakinggan nila ko, ang nasa utak lang nila eh ang selfish selfish ko ng anak/kapatid.

Hindi ko naman talaga ginustong mapunta dito sa abroad. Kung tutuusin, mas gusto ko pang tiisin ang hirap ng Buhay sa Pilipinas kesa naman sa mabulok sa ibang bansa na walang kilala at walang pamilya. Mas pipiliin ko pang maexperience ang Baha at Bagyo at Ulan kesa sa masarap na Winter at lamig at malinis na simoy ng hangin. Minsan naiisip ko, magpakamatay na lang. minsan naiisip ko magpadeport ako para lang makabalik ng Pilipinas. OO. Halos 1 taon pa lang ako dito. Pero sa 1 taon na yun ang hirap talaga. Hindi ko kaya ang buhay sa ibang bansa. Pinipilit pero talagang nakakadepress. Andito nga Pamilya mo pero parang wala naman dahil hindi mo naman kasama. Naiintindihan ko yung panganay namin may Pamilya na pero minsan kasi parang hindi niya ako tinuturing na pamilya eh. Pupuntahan ako ang excuse sa asawa pupunta sa Office may kukunin. Parang wtf man kapatid mo ko, hello magkadugo tayo, onting oras lang di mo mabigay sakin. Oh well. Ganon siguro talaga pag Pamilyado at na-westernized na ang ugali. Kadalasan yun naman talaga ang nangyayari sa mga Pilipinong napapadpad sa ibang bansa eh. Nakakalimutan na ang Filipino values. Siguro yung iba hindi, pero mostly talaga ganon.

Anyways, since wala pa din akong natatanggap na response sa mga inapplyan kong trabaho dito, susubukan ko ulit bumalik sa pagblo-blog. Halos 3yrs din akong hindi nagblog dahil nabusy ako sa lovelife, sa sex, at sa trabaho eh. Pero hindi ako "blogger" blogger ha. Hindi ako yung tipo ng mga blogger na nagpopost tungkol sa pagkain, sa mga lugar na napuntahan nila, or sa pagiging healthy shit. Random lang mga pinopost ko. Usually puro kabastusan at katarantaduhan. Dati sa multiply ako nagpopost ng blogs ko as in dun ako nakakuha ng avid readers. Di nga ako makapaniwala na may nagbabasa nung mga pinopost ko eh. kasi alam mo yun sobrang bastos at pure katarantaduhan lang mga pinopost ko. Im happy though that i made People smile with my shitty blogs. So yup... Lets do this shit again. :|